PNA file photo by Joan Bondoc
Walang-patid ang pag-aabot ng tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga mangingisdang Pilipino na apektado ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay BFAR Spokesperson Nazario Briguerra, sinabi niyang papalo na sa higit 147,000 na mangingisda ang natulungan ng pamahalaan sa ilalim ng fuel assistance program.
20% umano sa bilang na ito ay naibigay sa mga lugar sa West Philippine Sea kung saan karamihan sa mga benepisyaryo ay mga commercial fishing vessel o mga mangingisda na gumagamit ng motorbanca.
Patuloy rin ang arangkada ng comprehensive assistance program ng BFAR para sa mga mangingisda sa West Philippine Sea na LAYAG-WPS.
Sa ilalim ng LAYAG-WPS mas naibibigay at natutukan ang iba pang pangangailangan ng mga mangingisda tulad ng fishing gears, post harvest equipment, fingerlings at iba pa.