NBP water crisis
Buong suporta ng Bureau of Corrections ang “procedural changes” o pagbabago sa proseso na ikinokonsidera ng Korte Suprema para sa ilang kwalipikadong person deprived of liberty bilang alternatibo sa detention o pagkakakulong sa piitan.
Kabilang dito ang posibleng house arrest, medical confinement at community-supervised release.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ang BuCor ay nasa “same page” sa mungkahi ng Korte Suprema na magbigay ng “alternative arrangements,” partikular na para sa mga PDL na matatanda o mayroong seryosong karamdaman.
Sa ilalim ng proposed framework, ang kwalipikadong PDL ay puwedeng tapusin ang kanyang sentensya sa labas ng tradisyonal na kulungan depende sa kondisyon ng kalusugan, edad, risk level at iba pang sirkumstansya.
Ayon sa BuCor, marami na ang gumagawa ng ganitong framework, kabilang ang US, United Kingdom at Canada.
Ginawa ng BuCor ang pahayag kasunod ng talumpati ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Justice Sector Coordinating Council, kung saan binanggit nito ang ilang legal na alternatibo sa nakagawiang detention.
Sa datos ng BuCor, as of August 2026, mayroong 6,074 matatandang PDL at 55 dito ang terminally ill.