Isinusulong ngayon ang digitalization at pagpapasimple ng government transactions para mapabilis ang proseso sa shipbuilding at ship repair sector.
Tinalakay ito sa Strategic Whole-of-Government o STRAT-WOG Forum, kabilang ang panukalang Submit Once approach at one-stop shop para sa pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento.
Ayon kay Metro Shipbuilders and Ship Repairers Association, Inc. President Jennifer Cuerdo, makatutulong ang digitalization upang mabawasan ang paperwork at oras ng pagproseso ng mga transaksyon ng industriya.
Binanggit ni Cuerdo ang paggamit ng MARINA BEST na nagbibigay-daan sa online submission ng mga dokumento para sa taunang inspection at renewal ng lisensya.
Tiniyak naman ng Maritime Industry Authority o MARINA na hindi maaapektuhan ng pagpapabilis ng proseso ang umiiral na regulatory standards.
Layunin ng mga reporma na gawing mas episyente, malinaw at predictable ang government transactions para sa shipbuilding at ship repair industry.