Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na wala silang direktang kamay sa pagpapatupad o pagdedesisyon kung tatanggalin o babawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin ang tanging tungkulin ng DOE ay bantayan ang global oil market at sertipikahan kung lumampas na sa itinakdang $80 per barrel threshold ang presyo ng Dubai crude.
Ani Garin, naipasa na nila sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang kanilang report ukol dito at nakadepende sa mga economic manager ang rekomendasyon kung dapat tanggalan o bawasan ng excise tax ang anumang produktong petrolyo.
Hirit pa ni Garin, na hindi rin basta-basta ang pagdedesisyong gagawin dahil titimbangin din ng economic managers ang posibleng maging epekto oras na tanggalin o bawasan ang excise tax sa petrolyo.