Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Energy o DOE sa Department of Transportation o DOTr kaugnay ng posibilidad na dagdagan ang kasalukuyang P12 per liter fuel subsidy para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, hindi pa niya makumpirma kung itataas o palalawakin ang subsidiya dahil nasa DOTr ang pangangasiwa sa transport sector.
Aniya, nagbibigay lamang ang DOE ng payo at regular na update sa presyo ng mga produktong petrolyo, kabilang ang monitoring sa mga gasolinahan.
Kailangan aniyang malaman muna kung ilan ang maaaring makinabang at kung magkano ang kakailanganing pondo bago magdesisyon sa anumang pagbabago sa subsidy.
Sinabi ni Garin na umaasa siyang hindi na kailangang dagdagan pa ang fuel subsidy dahil maaari itong mangahulugan na bumababa na ang presyo ng langis.
Samantala, wala pa ring tiyak na projection ang DOE sa posibleng rollback sa susunod na linggo dahil nakabatay ang presyo sa average na galaw ng world oil prices sa loob ng limang araw, mula Lunes hanggang Biyernes.