Nilinaw ng House Prosecution panel na hindi sila nakadepende sa mas mababang threshold ng boto para sa conviction ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay impeachment team adviser at spokesperson Ace Barbers, tiwala ang kanilang grupo na ang mga inilatag na ebidensya at mga testigo ang magpapatunay sa mga paratang laban sa pangalawang pangulo.
Ito ang naging pahayag ni Barbers nang tanungin siya ukol sa naging argumento ni Senador-judge Imee Marcos na hindi raw dapat baguhin o ilipat ang “finish line” dahil lamang sa nahihirapan ang prosekusyon.
Diin ni Barbers, simula pa sa umpisa hindi sila umaasa sa numero.
Kumpiyansa umano ang panel sa kanilang mga ebidensya at testigo para supprtahan ang mga alegasyon ng apat na articles of impeachment.
Panawagan ni Barbers sa mga senador, ibase ang kanilang desisyon sa mga inihaharap na ebidensya at testigo.