Binigyang-diin ng Malacañang na walang politika sa pagbababa ng Local Government Support Fund (LGSF) sa mga lokal na pamahalaan.
Katunayan ayon kay Communications Usec. Claire Castro, dapat masiguro na kumpleto ang mga dokumento, mayroong sapat na batayan ang proyekto, at pumasa ito sa pagsusuri ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno, bago mapagbigyan ang mga ito.
Ayon sa opisyal, nakadepende ang pag-apruba ng pondo sa pangangailangan at kwalipikasyon ng proyekto, hindi sa kulay ng pulitika ng isang lokal na pamahalaan.
“So depende yan sa request. Kung mapapatunayan ninyo through the feasibility studies, sa mga dokumentong ipamimigay ninyo, ibibigay ninyo sa DBM (Department of Budget and Management), ‘pag nakita na qualified, ire-release ang pondo, kahit ano ang inyong kulay,” — Castro.
Aniya, mahigpit na sinusuri ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga kahilingan ng LGUs, upang matiyak na kailangan ang proyekto, maayos ang dokumentasyon, at magagamit nang tama ang pondo.
“Sila po mismo ang magbibigay sa DBM diretso ng kanilang request. At doon sa request na ’yon, ipapakita po nila kung bakit sila kailangang mapabigyan sa kanilang request sa pondong kinakailangan nila,” — Castro.
Nilinaw din ni Castro na ang mga LGU mismo ang nagsusumite ng kanilang mga kahilingan at supporting documents sa DBM.
“Sila mismo ang magbibigay sa DBM diretso ng kanilang request. At doon sa request na iyon, ipapakita nila kung bakit sila kailangan mapabigyan sa kanilang request sa pondong kinakailangan nila,” — Castro.
Hindi aniya awtomatikong naaaprubahan ang bawat kahilingan, lalo’t kailangang dumaan muna ito sa pagsusuri ng mga kaukulang ahensya.
“Katulad ng sinabi natin ng nakaraan, ang mga ganitong klaseng opinyon na sinasabing ito’y pampulitika lamang ay isang napaka-iresponsableng pananaw,” — Castro.