Mas handa ngayon ang Department of Agriculture sa pagtugon sa posibleng epekto sa agri sector ng “very strong” El Niño na maaaring maramdaman simula ngayong September hanggang 2027.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, marami nang natutunan ang ahensya mula sa mga nakalipas na El Niño, kaya asahang mas responsive na ang kanilang interventions ngayon.
Kabilang sa mga hakbang ang pag-optimize ng produksyon sa mga lugar na hindi gaanong tatamaan at pagsasalba sa mga lugar na mataas ang panganib sa epekto ng El Niño.
Inihahanda na rin ng DA ang iba’t ibang assistance para sa mga lubhang maaapektuhang magsasaka, kabilang ang indemnification, fuel at fertilizer support.
Binigyang-diin ni De Mesa na thematic, location-specific at scientific ang magiging tugon ng DA sa banta ng El Niño.
Inaasahan naman ng DA na hindi na lalagpas pa sa 700,000 metriko tonelada ang maitalang agricultural losses sa palay sector sa pagtama ng matinding El Niño.