Tila may pattern sa hindi maayos na dokumentasyon ng paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP).
Ito ang tinuran ni House prosecution team adviser Ace Barbers, magtapos ma-flag ng Commission on Audit (COA) ang halos P168 milyong relief operations ng tanggapan noong 2025.
Ayon kay Barbers, mahalagang malinaw ang audit trail kung saan at para saan ginastos ang bawat pisong pondo ng bayan.
Aniya, kailangang maipaliwanag ng OVP ang mga nakita ng COA at mabigyan ito ng sapat na panahon para sagutin ang mga audit findings.
Kabilang sa mga puna ng COA ang hindi tugmang ulat, mga pagbabago sa relief distribution na walang dokumentadong approval, at kakulangan o kawalan ng mga dokumentong tumutukoy sa mga benepisyaryo.
Sabi naman ni prosecution spokesperson Zia Alonto Adiong, may pagkakatulad ang mga isyung ito sa mga naging tanong sa dokumentasyon ng confidential funds ng OVP na tinatalakay sa impeachment trial.