Nagluluksa ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa pagkasawi ng isa nitong tauhan matapos mabangga ng sasakyan habang nagsasagawa ng checkpoint sa Jimenez, Misamis Occidental noong Setyembre 21.
Kinilala ng PNP ang nasawi na si PSMSgt. Shelvib Cuajao Cabug dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na hindi malilimutan ang sakripisyo ni Cabug na nasawi habang gumaganap ng kaniyang tungkulin para mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lugar.
Nagpaabot ng pakikiramay ang PNP sa pamilya, mga kasamahan at mahal sa buhay ng nasawing pulis at tiniyak din ang tulong at suporta sa pamilya ng pulis
