Mananatiling matatag ang commitment ng Pilipinas sa patuloy na dayalogo at positibong pakikipag-ugnayan sa China sa kabilang ng mga isyu hinggil sa territorial dispute.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Marshall Louis Alferez ang pagkakaibigan ng dalawang bansa ay mailalarawan bilang “time-tested” o nasubok na ng panahon, at may kakayahang magsilbing matibay na layag upang malampasan ang anumang bagyo.
Binigyang-diin din ni Alferez na sa kabila ng pagsusulong ng magandang ugnayan, mananatiling matatag at hindi matitinag ang Pilipinas sa mga posisyon nito ukol sa mga usaping may kinalaman sa pambansang interes.
Dagdag pa ng opisyal, na patuloy din ang paggulong ng bilateral engagement ng Pilipinas at China upang mas mapalawak ang kanilang ugnayan lalo na sa usaping pang-ekonomiya.
Ginawa ni DFA Assistant Secretary Marshall Louis Alferez ang mga nasabing pahayag sa pagdiriwang ng 77th Founding Anniversary ng People’s Republic of China, sa Pasay City.