Nagbigay ang United Kingdom (UK) ng access sa Pilipinas sa hanggang ₱419.9 bilyong export financing para makatulong sa mga pangunahing programa at proyekto ng bansa.
Pormal na nilagdaan ng Pilipinas at UK ang isang Government-to-Government (G2G) partnership. Sa ilalim nito, maaaring suportahan ng UK Export Finance (UKEF) ang mga kwalipikadong proyekto sa Pilipinas.
Kabilang sa mga posibleng suportahang proyekto ang:
- renewable energy at energy transition
- mas maayos at sustainable na transportasyon
- water at sanitation projects
- aviation
- mga proyektong panlipunan at pampublikong imprastraktura
Inaasahan ng pamahalaan na makatutulong ito sa paglikha ng trabaho, pagpapalakas ng negosyo, pagpapaganda ng imprastraktura at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino.
Patuloy ngayon ang pag-uusap ng dalawang bansa tungkol sa mga posibleng proyekto sa ilalim ng Philippines–UK Joint Economic and Trade Committee.