Photo courtesy of TESDA
Opisyal nang nagsimula ang WorldSkills Shanghai 2026, ang malaking pandaigdigang kompetisyon para sa mga kabataang may iba’t ibang kasanayan.
Kasama ang Pilipinas sa mga bansang lumahok sa kompetisyon, kung saan ipinapakita ng mga batang skilled professionals ang kanilang talento, sipag, at galing sa kani-kanilang larangan.
Patuloy na sinusuportahan ng TESDA ang mga kabataang Pilipino upang maipakita ang kanilang mga kasanayan hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa international stage.
Mula sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay TESDA Secretary Kiko Benitez, hinihikayat ang lahat na suportahan at ipagmalaki ang Team Philippines