Tuloy-tuloy pa rin ang UPLIFT payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2.5 milyong benepisyaryo sa ilalim ng Group 2.
Nagtungo mismo si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Bacolod City para sa opisyal na rollout ng digital payout.
Sa pakikipagtulungan sa GCash, sabay-sabay na natanggap ng 62 Group 2 UPLIFT beneficiaries ang kanilang ₱2,000 second tranche cash assistance na direktang ipinadala sa kanilang registered GCash accounts.
Ayon sa kalihim, mas praktikal ang digital payout dahil makababawas ito sa oras ng biyahe, gastos sa transportasyon, at iba pang gastusin ng mga benepisyaryo sa pagkuha ng ayuda.
Hinimok naman ni Sec. Gatchalian ang mga benepisyaryo na magbukas at magparehistro ng GCash o iba pang e wallet account para mas mabilis nilang matanggap ang UPLIFT assistance.