Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na magpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahit hindi dumalo sa susunod na pagdinig ang kanyang defense team.
Ayon kay Gatchalian, hangga’t may quorum ang Senate Impeachment Court ay magpapatuloy ang paglilitis kahit wala ang panig ng depensa.
Pinahayag ng Senate President na opsyon ng depensa na humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Supreme Court para ipatigil ang proceedings.
Gayunman, sinabi ni Gatchalian na nasa Korte Suprema ang pagpapasya kung pagbibigyan ang naturang kahilingan.
Samantala, pagdating naman sa mga witness na pina-subpoena ng Impeachment Court, sinabi ni Gatchalian na may contempt powers sila para padaluhin ang testigo.
Kaya kung hindi aniya dadalo ang isang pinapatawag na testigo, gaya ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte, ay pwede siyang ipa-contempt.
Pero bago ito ay kailangan aniyang alamin muna ang dahilan ng hindi pagdalo at tiyaking may valid na batayan ang hindi pagsipot ng testigo.