Malaki ang posibilidad na masampahan ng reklamong paglabag sa Magna Carta for Disabled Persons o Republic Act no. 7277 ang mga hosts ng Machong Chismisan podcast na nangutya sa anak ni Kris Aquino na si Joshua Aquino.
Sa isinagawang press conference ng NBI ngayong araw ayon kay Director Melvin Matibag sa pagtawa pa lang ng mga hosts sa kapansanan ni Josh habang nakabroadcast pa ito maaaari na itong batayan ng paghahain ng reklamo pero pinagaaralan pa nila ang iba pang posibleng isampang reklamo sa mga hosts.
Ngayong araw naman sana nakatakdang humarap sa NBI ang nga host na nabigyan ng subpoena pero isa lang ang personal na humarap na si David Lawrence Vivar kasama ang kanyang abogado
Ang isa pa namang host na si Tito Patriotito ay nagpadala lang umano ng abogado at sulat na nagsasabing mayroon din itong attention deficit hypertension disorder at bipolar pero ayon kay Matibag wala naman itong attachments na magpapatunay sa kanyang liham
Plano naman ng NBI na ipatawag din ang producer ng podcast upang alamin kung sangkot din sila sa di umanoy pangungutya ng mga hosts. | ulat ni Louisa Erispe