Nagpulong ang Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Council (ZCDRRMC) upang talakayin ang mga update kaugnay ng El Niño para sa ikatlong quarter ngayong taon.
Ayon kay PAGASA Zamboanga Weather Specialist Rodel Inclan, inaasahang magpapatuloy ang epekto ng El Niño phenomenon hanggang sa unang quarter ng susunod na taon, kung saan inaasahang mararamdaman ang paglakas nito sa mga huling buwan ng 2026.
Tinalakay ng mga miyembro ng konseho ang epekto ng matagalang tagtuyot sa agrikultura, supply ng tubig, at sa iba pang mga sektor.
Matatandaang patuloy na nagsasagawa ng assessment ang lokal na pamahalaan sa mga ipinatutupad na hakbang upang mapahupa ang mga posibleng epekto ng El Niño sa komunidad at sa iba’t ibang sektor sa lungsod.
Maliban sa El Niño, tinalakay rin ng konseho ang mga update kaugnay ng estado ng agrikultura, kalusugan, at animal health sa lungsod ng Zamboanga.
📸 Zamboanga City LGU


