Courtesy of Rep. Benny Abante/FB
Hinimok ni House Committee on Human Rights Chairperson at Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang mga senador-judge na papanagutin si Atty. Paolo Panelo, ang tagapagsalita ni VP Sara Duterte, kaugnay ng kanyang pahayag na “lokohan” ukol sa naging botohan sa threshold.
Ayon kay Abante, na nag-endorso ng isa sa mga reklamo sa impeachment laban kay Duterte, dapat suriin ng korte ang mga pahayag ni Panelo sa ilalim ng sub judice rule kahit hindi ito bahagi ng opisyal na legal defense team ng bise presidente.
Matatandaang tinuligsa ni Panelo ang desisyon ng impeachment court sa botong threshold at tinawag itong “lokohan”..
Dahil dito, nanawagan si Abante sa mga senador-hukom na aksyunan din ang mga binitiwang salita ni Panelo.