Courtesy of Rep. Benny Abante/FB
Muling nanawagan si Manila Representative Bienvenido Abante kay Vice President Sara Duterte na personal na harapin ang Senate Impeachment Court upang sagutin ang mga akusasyon hinggil sa kanyang umano’y hindi maipaliwanag na yaman.
Binigyang-diin ni Abante, na isa ring chairperson ng House Committee on Human Rights, na hindi dapat maging hadlang ang mga usapin sa “voting threshold” o bilang ng botong kailangan sa korte upang mapigilan ang pagtalakay sa mga ebidensyang inihahain sa ilalim ng Article II ng impeachment complaint.
Ayon kay Abante, hindi krimen ang maging mayaman, ngunit marapat lamang na malinaw na maipaliwanag ang pinagmulan nito upang mapatunayang hindi ito nakuha sa iligal na paraan.
Dahil dito, iginiit ng mambabatas na si Duterte lamang ang may direktang kaalaman sa kanyang mga ari-arian at pananalapi kaya aniya dapat siya mismo ang humarap upang bigyang linaw ang mga alegasyon.