Welcome sa network ng digital advocates na Digital Pinoys ang desisyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na alisin na ang ban sa Discord, kasunod ng commitment ng platform na palakasin ang pakikipag-ugnayan nito sa pamahalaan.
Kabilang sa mga commitment ng Discord ang pagtatag ng dedicated “green lane” para sa government requests at complaints, pagbuo ng Philippine office, at pagtatalaga ng Philippine-based country representative.
Ayon sa Digital Pinoys, makatutulong ang malinaw na channels at local point of contact para maging mas mabilis at epektibo ang pagtugon sa mga concern ng Philippine authorities kaugnay ng online safety, cybersecurity, at cybercrime.
Umaasa ang grupo na maisasalin sa konkretong mekanismo ang mga commitment ng Discord para mapalakas ang koordinasyon at makatulong sa paglikha ng mas ligtas na digital environment para sa mga Pilipino.