Walang tigil pa rin ang mobilisasyon at dispatch ng Family Food Packs (FFPs) mula sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City patungo sa DSWD Field Offices I, II, at CALABARZON.
Bahagi ito ng augmentation support ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Queenie.
Ayon sa DSWD, patuloy nitong pinupunan at pinananatili ang relief stockpile sa mga strategic locations para mabilis na maihatid ang tulong sa mga pamilyang maaapektuhan ng kalamidad.
Una nang iniulat ng DSWD na mula Blue Alert ay ibinaba na sa White Alert ang status ng Disaster Response Command Center, kasunod ng pagbaba rin ng alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center.
Sa kabila nito, patuloy ang monitoring ng DSWD sa sitwasyon at kahandaan nitong maghatid ng agarang tulong sa mga apektadong pamilya at indibidwal.
📸 DSWD

