Muling inatasan ng Sandiganbayan 3rd Division ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ihanda ang mga kinakailangang pasilidad at technical equipment para sa pagharap ni dating House Speaker Martin Romualdez sa pre-trial ng kinahaharap na kasong plunder sa pamamagitan ng videoconference.
Sa resolusyon ng anti-graft court, pinayagan si Romualdez na dumalo sa pre-trial mula sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, ngayong 8:30 ng umaga.
Pinahintulutan din ang isang assisting counsel ni Romualdez at isang miyembro ng prosecution panel na pisikal na dumalo sa loob ng pasilidad, habang ang iba pang abogado at prosecutors ay dadalo sa korte.
Ayon naman sa kampo ni Romualdez, posibleng sa Lunes nila ihain ang kanilang komento kung bakit hindi dapat ipatupad ang preventive suspension laban sa dating House Speaker, na siyang deadline para sa pagsusumite nito.
📸 Sandiganbayan Pool