Naalalayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pitong aplikante sa pagtatrabaho sa ibang bansa matapos mabisto ang kanilang tinutuluyan na hindi ligtas at pinaniniwalaang hindi pa rehistadong accmodation sa Ermita, Maynila.
Sa isinagawang pag-iinspeksyon ng mga opisyal ng DMW, nabistong mainit, marumi, masikip at hindi maayos ang naturang accomodation habang hinihintay ang pagpoproseso ng kanilang deployment patungong Dubai.
Una rito’y dumulog ang isa sa mga aplikante pa-abroad sa booth ng DMW sa Handog ng Pangulo sa Pasay City noong Setyembre a-14.
Bukod sa hindi maayos na tinnutluyan, nabatid na kapos din umano sa pagkain ang mgaa aplikante na nagresulta sa kalunus-lunos nilang kalagayan.
Ayon kay DMW-NCR Regional Director Atty. Ace Falconi Millar, hindi nila hahayaang malagay sa hindi maayos at hindi rehistradong accomodation ang mga aplikante na naghahangad lang makapagtrabaho sa ibang bansa.
Nagpaalala naman ang DMW sa mga aplikante na naghahanda sa kanilang trabaho abroad na suriing mabuti ag kanilang recruiter, recruitment arrangement at accomodation facilities.