Nagkakaisa ang Saudi Arabia, Turkey, at Pakistan sa pagtugon sa tumitinding pag-atake ng Houthi rebels sa Saudi Arabia.
Magsasagawa ang tatlong bansa nang isang agarang high-level meeting sa ilalim ng kanilang joint defense agreement upang pag-usapan kung paano susuportahan ang Saudi Arabia at mapalakas ang kanilang pagtutulungan sa seguridad.
Sinabi ng Houthis na naglunsad sila ng dose-dosenang missile at drone laban sa mga target sa Saudi Arabia.
Ayon naman sa mga awtoridad ng Saudi, anim na ballistic missiles ang kanilang naharang.
Naglabas din ng emergency alerts ang Saudi Arabia para sa ilang lugar, kabilang ang Mecca, Jeddah, at Yanbu, isang mahalagang oil port sa Red Sea.
Nagpahayag naman ng suporta ang Turkey at Pakistan at kinondena ang mga pag-atake sa Mecca at iba pang sibilyang lugar.
Samantala, sinabi ng Iran na sariling desisyon ng Houthis ang kanilang mga aksyon habang nagpapatuloy ang tensyon sa Gitnang Silangan.