Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Pinahuhusay ng Department of Social Welfare and Development ang sistema sa pag-iimbak ng prepositioned relief goods matapos ang mga natuklasan ng Commission on Audit sa 2025 audit.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, paiigtingin ang safeguards para sa family food packs at iba pang relief supplies, kabilang ang regular inspections at spot-checks sa mga warehouse.
Tinatapos na rin ang Warehouse Inventory Management System para sa real-time monitoring ng food at non-food items.
Nilinaw ni Dumlao na isolated cases ang mga insidente sa COA findings, at wala ring family food packs na itinapon dahil sa expiration.
Ipinatutupad ang first-expiry, first-out system upang maunang maipamahagi ang mga food packs na malapit nang mag-expire.
Patuloy ding pinapalakas ang warehouse management sa mga rehiyon, kabilang ang paggamit ng pallets, rodent traps at pest-control services.
Nilalayon nito na matiyak na ligtas, maayos ang pagkakaimbak at fit for distribution ang lahat ng relief goods.