Tinapos na ng Kamara nitong Biyernes, Setyembre 25, ang siyam na araw na plenary deliberations para sa House Bill 10858 o P7.2-trillion 2027 General Appropriations Bill.
Mula Setyembre 15 hanggang 25, sinuri ng mga mambabatas ang panukalang pondo ng 245 departamento, ahensya at attached agencies, government-owned corporations, gayundin ng 113 State Universities and Colleges.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson Mikaela Suansing, maglalagay ang Kamara ng karagdagang safeguards sa pagbuo ng 2027 General Appropriations Act.
Kabilang dito ang mas malinaw na rules, standards at reportorial requirements sa paggamit at pagsusuri ng pondo. Target ng Kamara na mapagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pambansang budget sa October 9.