Photo courtesy of PNP-PIO
Pag-iibayuhin pa ng Philippine National Police ang paghahanda nito para sa 2028 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326 na nagtakda sa November 13, 2028 bilang petsa ng BSKE.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., gagamitin ng pambansang pulisya ang dagdag na panahon para ayusin ang security plans at koordinasyon sa COMELEC at iba pang ahensya.
Isasaalang-alang din ang mga aral mula sa mga nakaraang halalan, kabilang ang 2026 BARMM parliamentary elections.
Sinabi pa ni Nartatez na makatutulong ang dagdag na panahon para matukoy ang mga dapat pagbutihin sa election security. Patuloy na imo-monitor ng PNP ang mga security concerns at titiyaking maayos ang police operations bago at habang ginaganap ang 2028 BSKE.