Hindi na lamang pagbawi mula sa pandemya ang sentro ng turismo sa ASEAN. Ngayon, nakatuon ang rehiyon sa susunod na yugto ng paglago nito, sa pamamagitan ng mas matatag at makabuluhang pamumuhunan.
Ayon kay ASEAN Deputy Secretary-General Nararya Soeprapto, mahalagang matiyak na ang paglago ng turismo ay may direktang benepisyo sa ekonomiya, mga negosyo, destinasyon, at lokal na komunidad.
Kasabay nito, binigyang-diin ng ASEAN ang pangangailangan sa pamumuhunan sa transportasyon, digital infrastructure, skills development, at climate-resilient infrastructure upang maging mas sustainable at inclusive ang paglago ng turismo sa rehiyon.
Noong 2025, umabot sa tinatayang 147 milyong international tourist arrivals ang ASEAN.