Walang-patid ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga itinuturong ghost at substandard flood control projects sa Davao.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag maigting na ang koordinasyon nila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DPWH, AMLC at iba pa.
Pagdating naman sa mga kahon-kahong ebidensiya tungkol sa Davao flood control projects ay isinasailaim na ito ngayon sa pagpoproseso.
Kinumpirma rin ni Matibag ang pag-iisyu ng NBI ng subpoena duces tecum sa Commission on Audit (COA) kaugnay pa rin ng nasabing imbestigasyon.
Ani Matibag, hindi titigil ang NBI hangga’t hindi nabibigyang linaw ang lahat ng umaaligid na alegasyon at paratang pagdating sa mga flood control project sa Davao.