Photo courtesy of Department of Migrant Workers (DMW)
Pinatatag pa ng Pilipinas at Slovak ang ugnayan nito para sa pagtatatag ng mga mekanismo sa empleyo gayundin sa mga oportunidad sa pagnenegosyo.
Ito’y makaraang selyuhan ng dalawang bansa ang isang joint communique na nagtatatag ng Labor Consultation Mechanism.
Sa ilalim nito, palalawakin pa ang saklaw ng iba’t ibang oportunidad sa trabaho at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinangunahan nila Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at Slovak Ambassador to Manila Miloš Koterec ang paglagda ng nasabing kasunduan.
Ayon sa kalihim, bukod sa pagpapatatag ng mekansimo para sa oportunidad, mapalalalalim pa nito ang ugnayang bilateral ng dalawang bansa.