Muling tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na wala silang sasantuhin at sisinuhin pagdating sa pagbe-beripika ng mga iniuulat na ghost projects kung saan handa rin nila itong imbestigahan katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, hindi lang naman ang Taguig ang kanilang tinitignan dahil nakatutok naman sila sa iba pang lugar na may napa-ulat din na iregularidad at sinasabing ghost flood control projects (FCP).
Aniya, subject sa ongoing validation at imbestigasyon ang mga proyekto sa Taguig na ini-uugnay sa mag-asawang Discaya kung saan kinumpirma niyang nagkaroon na ng iregularidad matapos maling ma-geotagged ang billing photo ng nasabing proyekto sa Leyte.
Pagdating naman sa mga alegasyon na sinabi mismo ni Dizon na walang ghost flood control project sa Taguig, sagot niya na sinabi niya iyon dahil wala pa namang conclusive o natukoy noon na ghost FCP sa Taguig.