Hinikayat ng Pilipinas ang mga tourism destination sa ASEAN na higit pang palakasin ang kanilang resilience, lumikha ng makabuluhang oportunidad para sa mga lokal na komunidad, at pamahalaan nang responsable ang patuloy na paglago ng turismo.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Assistant Secretary Gisele Marie Romualdez-Quisumbing, kailangang umangkop ang mga destinasyon sa nagbabagong pangangailangan ng tourism market, habang pinangangalagaan ang mga likas at kultural na yaman na siyang pangunahing dahilan kung bakit dinarayo ang mga ito.
Bahagi ito ng pagsusulong ng ASEAN ng mas sustainable at resilient na turismo, kung saan ang paglago ng industriya ay itinutulak na dapat kasabay ng pagbibigay proteksyon sa mga destinasyon at paglikha ng pangmatagalang benepisyo para sa mga komunidad.