Binisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang “MaPangBata” session ng 4Ps sa Barangay Gilotongan, Cawayan, Masbate.
Bahagi ito ng Family Development Session na nagtuturo ng positibong pagiging magulang at epektibong komunikasyon.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, binibigyang-
diin sa module ang oras, pakikinig at maayos na pakikipag-ugnayan sa mga anak.
Layunin ng FDS na palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo sa kalusugan, nutrisyon, edukasyon at psychosocial needs ng kanilang mga anak.
Nakipagpulong din si Gatchalian sa mga 4Ps parent-leaders at field implementers upang pakinggan ang kanilang mga mungkahi at hamon. Ang 4Ps ay programang nagbibigay ng conditional cash grants sa kwalipikadong mahihirap na pamilya para sa kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga bata.