Nakahanda ang Singapore na ipagpatuloy at palakasin ang kooperasyon sa turismo ng ASEAN, kasunod ng pagharap ng rehiyon sa mga hamon sa sektor, kabilang ang epekto ng krisis sa enerhiya.
Sa pahayag ni Melissa Ow, Chief Executive ng Singapore Tourism Board, pinuri nito ang Pilipinas sa matagumpay na pagganap bilang ASEAN Chair ngayong taon at sa pagdaraos ng ikalawang ASEAN Tourism Ministers’ Retreat sa Maynila.
Ayon kay Ow, nananatiling mahina ang pagbangon ng turismo sa rehiyon dahil sa geopolitical tensions, supply disruptions, at tumataas na operational costs na nakaaapekto rin sa kabuhayan.
Kabilang sa tinalakay sa retreat ang pagsusuri sa ASEAN Tourism Agreement, sustainable at resilient tourism investments, at epekto ng energy crisis sa turismo.
Inihayag ni Ow na mananatiling committed ang Singapore sa ASEAN tourism cooperation at nakahandang ipagpatuloy ang mga inisyatiba habang ito ay naghahanda bilang susunod na ASEAN Tourism Chair sa Enero 2027.