Hindi bababa sa ₱11 kada buwan ang tinatayang matitipid ng isang karaniwang household sa ilalim ng panukalang batas na naglalayong alisin ang non-technical system loss sa singil sa kuryente.
Sa interpellation ni Senate President Sherwin Gatchalian sa sponsor ng Senate Bill No. 2486 o ang Systems Loss Charge Removal Act na si Senator Erwin Tulfo, sinabi ni Tulfo na nakabatay ang pagtitipid sa tinatayang konsumo na 200 kilowatt-hours kada buwan.
Samantala, ang non-technical system loss ay nagmumula umano sa mga insidente gaya ng electricity theft, meter tampering, at paggamit ng jumper.
Ito ang uri ng system loss na nais alisin sa panukala upang hindi na maipasa sa mga consumer ang kaukulang gastos.
Ayon kay Tulfo, nasa ₱11 kada buwan ang tinatayang bawas sa bill ng isang ordinaryong pamilya mula lamang sa non-technical system loss, hindi pa kasama ang epekto ng pagtanggal ng Value Added Tax.