Tuloy ang Marcos Adminustration sa pagsusulong ng mga programa at mga oportunidad na magpapa-igting sa career growth at kaalaman ng mga guro.
Ito ayon sa Pangulo ay bilang sukli sa laki ng demand na hinihingi ng buong bansa sa mga ito.
Sa selebrasyon ng National Teachers’ Month, kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang sakripisyo at papel ng mga guro na hindi lamang aniya natatapos sa silid-aralan.
Binanggit ng Pangulo ang inilungsad na MyTech, na layong magbukas ng mas maraming oportunidad para sa karera ng mga guro.
“We want our teachers to have better preparation even before they enter the classroom, to have meaningful opportunities to continue learning throughout their careers. Because we ask much from our teachers, we must also give much in return.” —Pangulong Marcos Jr.
Kasabay nito, ang patuloy na pagbibigay parangal sa mga guro na nagpapamalas ng katangi-tanging dedikasyon at commitment sa kanilang professional growth.
“Through the first TEC Teachers Awards, we honor educators who have demonstrated excellence and a commitment to continuous professional growth.” —Pangulong Marcos Jr.
Kaugnay nito, nanawagan si Pangulong Marcos Jr. sa lahat ng mga Pilipino na sama-samang itaguyod ang isang Bagong Pilipinas, kung saan suportado ang mga guro, at handa ang mga maga-aral na makiisa sa paghubog ng hinaharap ng Pilipinas. “So together, let us build a Bagong Pilipinas where our teachers are supported to do their best work and our learners are prepared to help shape the country’s future.” —Pangulong Marcos Jr.