Nakahanda ang House Prosecution na dumaan sa mahabang proseso ng paglalahad ng mga bank records ni Vice President Sara Duterte sakaling tanggihan ng depensa ang kanilang mungkahing stipulations.
Sinabi ni House Prosecutor Terry Ridon na handa silang iprisinta ang bank records ng paisa-isa at kada bangko.
Ayon pa kay Ridon, bukod sa direktang paglalahad ng mga dokumento, hindi rin nila isinasara ang posibilidad na ipatawag sa witness stand ang mga opisyal mula sa mga nasabing bangko.
Layon ng presentasyon na patunayan ang kredibilidad at authenticity ng mga dokumento pati na rin ang mga halaga ng bank accounts.