Nagpasalamat ang Department of Energy sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsuspinde ng Excise Tax sa LPG at Kerosene.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin na malaking tulong ito sa ating mga kababayan sa gitna ng patuloy ba pag taas ng produktong petrolyo ay maiibsan ito sa pang araw-araw na gastusin.
Dagdag pa ng kalihim na mahalaga ang bawat hakbang na makatutulong sa mga pamilya, maliliit na negosyo, at mga komunidad na umaasa sa LPG at kerosene para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Siniguro naman ng DOE na patuloy silang gumagawa ng pamamaraan upang mabawasan ang pasanin ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis. | ulat ni Aj Ignacio