Photo courtesy of Department of Transportation (DOTr)
Ininspeksyon ni Executive Secretary Ralph Recto at ng Department of Transportation (DOTr) ang Clark Station ng North-South Commuter Railway Extension (NSCR-Ex) Project.
Ito ang magiging unang underground rail station sa bansa na direktang konektado sa Clark International Airport.
As of August 2026, nasa 87.34% na ang overall progress ng proyekto, habang nasa 73.29% na ang Clark Station.
Ayon kay Recto, mahalagang logistics infrastructure ang 147-kilometrong proyekto para sa Luzon Economic Corridor, lalo’t may mga semiconductor company na nais lumipat sa Clark.
Inamin din niyang nagkaroon ng kaunting delay noon, pero pinatututukan na aniya ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para matapos sa takdang panahon.
Sinabi naman ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, na aabot na lang sa 55 minuto ang biyahe mula Clark hanggang Makati sakay ng airport express train.
Target ang partial operations ng NSCR mula Valenzuela hanggang Malolos sa December 2027, at hanggang Clark sa huling bahagi ng 2028.