Malalim umano ang ibig sabihin ng pagkabigo o pag-iwas ni Vice President Sara Duterte na abisuhan ang kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte tungkol sa kanyang pinansyal na interes sa kumpanyang GenCorp.
Ito ang pahayag ni House Trial spokesperson Zia Alonto Adiong bilang tugon sa katanungan kung nagkulang ba ang Bise Presidente sa pagbibigay-alam sa kanyang kapatid hinggil sa GenCorp.
Ayon sa naging testimonya ni Mayor Duterte sa impeachment court, nanalo ang nasabing kumpanya ng 19 na kontrata mula sa lokal na pamahalaan ng Davao.
Bagamat iginiit ni Mayor Duterte sa harap ng korte na hindi niya alam na shareholder ang kanyang kapatid na siyang pinuna naman ng prosekusyon.
Dagdag pa ng mambabatas, kung totoo mang walang alam ang alkalde, lumalabas na handa umanong ilagay ng Bise Presidente sa alanganin at mabigat na problema ang sariling kapatid makakuha lamang ng mga kontrata sa Davao City.