Photo courtesy of DA-MIMAROPA
Aabot sa 29 farm-to-market road o FMR projects ang nakakasa nang itayo sa MIMAROPA Region para mapalakas ang produksyon sa rehiyon.
Kasunod ito ng paglagda sa kasunduan ng DA-MIMAROPA at DPWH para sa implementasyon ng FMR projects na nagkakahalaga ng kabuuang P430 milyon.
Ang mga proyekto ay popondohan sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act ng Department of Agriculture.
Ayon sa DA, inaasahang makatutulong ang 29 FMR projects na mabawasan ang logistics constraints at mapalakas ang ugnayan ng mga magsasaka sa mga pamilihan sa buong MIMAROPA.
Nakasaad sa kasunduan na ililipat ang pondo sa DPWH batay sa approved project milestones at pagsusumite at validation ng mga kinakailangang technical, physical at financial reports.