Photo courtesy of Commission on Population and Development/Facebook
Binigyang-diin ang kahalagahan ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa contraception at family planning sa pagdiriwang ng World Contraception Day noong September 26.
Ayon sa Commission on Population and Development (CPD), mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon upang makapili ang mga indibidwal at mag-asawa ng angkop na modern family planning method batay sa kanilang pangangailangan at kalagayan.
Sa panahon ng mabilis na pagkalat ng impormasyon online, pinaaalalahanan ang publiko na hindi lahat ng nakikita o nababasa tungkol sa contraception ay tama at suportado ng ebidensya.
Kabilang sa layunin ng World Contraception Day ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa contraception at pagtataguyod ng “informed choices”.
Hinihikayat rin ng CPD ang publiko na kumonsulta sa mga health worker o healthcare provider para sa wasto at angkop na payo tungkol sa family planning.