Photo courtesy of Commission on Population and Development (CPD)
Kaugnay ng paggunita sa World Contraception Day noong September 26, nanawagan ang Commission on Population and Development (CPD) ng mas pinalawak at mas accessible na family planning at reproductive health services.

Sa tema ngayong taon na “No barriers, just choices: Access to options, freedom to decide,” binigyang-diin nito ang karapatan ng bawat Pilipino na makapagpasya tungkol sa kanyang reproductive health at kinabukasan.
Batay sa 2025 National Demographic and Health Survey, umakyat sa 44.5% ang paggamit ng modern contraception sa mga ‘married Filipino women’ mula sa 41.8% noong 2022.

Gayunman, sinabi ng ahensya na nananatili ang ilang hamon, tulad ng misinformation, stigma, at limitadong access sa contraception at mga trained provider.
Ayon sa CPD, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon upang makapili ang mga indibidwal at mag-asawa ng angkop na modern family planning method batay sa kanilang pangangailangan at kalagayan.