Plano ng National Bureau of Investigation na kausapin sina dating House Speaker Lord Allan Velasco at asawa nito na si Rowena Velasco kaugnay sa isinumiteng affidavit ni Rodulfo Gracioso Jr
Base kasi sa affidavit ni Gracioso nagdala ito ng male-maletang pera sa pamilya Duterte sa utos ni dating speaker Velasco
Ayon naman kay NBI Director Melvin Matibag hindi ito subpoena o pormal na imbestigasyon nais lang nila makausap ang mga Velasco upang bigyan dila ng oportunidad na ipaliwanag ang kanilang panig.
Kinumpirma naman ni Director Matibag na wala na sa Pilipinas ang mag-asawang Velasco. Ang dating speaker ay umalis noon pang Agosto 30 habang ang kanyang asawa naman ay September 24 umalis.
Hindi naman aniya makakaapekto pa sa kanilang imbitasyon sa ngayon kahit wala ang mag-asawa sa Pilipinas.