Tiniyak ng National Power Corporation (NAPOCOR) ang patuloy na suporta nito sa pangangalaga ng Angat Watershed.
Nakibahagi ang NAPOCOR sa Save Sierra Madre Day 2026 sa Angat, Bulacan, na pinangunahan ng Forest Foundation Philippines at WWF Philippines.
Nagsagawa ang mga kalahok ng tree-growing activity gamit ang mga katutubong puno para makatulong sa rehabilitasyon ng kagubatan.
Binigyang-diin ng NAPOCOR ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor at mga komunidad sa pangangalaga ng watershed.
Nanawagan din ang korporasyon ng patuloy na suporta sa pagtatanim ng puno, rehabilitasyon ng kagubatan at pangangalaga sa kapaligiran. | ulat ni Rey Ferrer