Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magsasaka sa Capiz na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Red-Striped Soft Scale Insect (RSSI) infestation.
Ayon sa DSWD, muli itong naglaan ng tulong pinansyal para sa agarang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka.
Kabuuang 4,055 benepisyaryo ang tumanggap ng tig-₱10,325 UPLIFT Assistance o Emergency Cash Transfer for Disaster Victims sa dalawang araw na payout activity sa Pilar Civic Center na nagsimula nitong Martes.
Samantala, 2,914 benepisyaryo naman sa President Roxas, Capiz ang nakatanggap din ng nasabing cash assistance.
📸 DSWD

