Para talakayin ang kanilang hinaing at panawagan, nakipagdayalogo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga miyembro ng transport group na MANIBELA.
Personal na nakipag-usap si LTFRB Acting Chairperson Atty. Greg Pua Jr., kasama si Executive Director Atty. John Paul Allen Victa, sa grupo bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga operator at driver.
Kabilang sa tinalakay ang mga usapin sa dokumentasyon, registration at iba pang problema ng mga miyembro ng grupo.
Samantala, inihayag ni MANIBELA Chairperson Mar Valbuena na plano niyang makipag-usap kay First Lady Liza Araneta-Marcos tungkol sa mga panawagan ng mga manggagawa sa transport sector.
Nagkaroon ng pagkakataong magkausap ang dalawa matapos dumalo sa rice distribution program ng Land Transportation Office (LTO).

