Photo courtesy of Department of Agriculture
Palalawakin ng National Food Authority (NFA) ang kapasidad nito sa pag-iimbak ng palay sa Tarlac para madagdagan ang mabibili mula sa mga magsasaka.
Umupa ang NFA ng 1,782-square-meter na warehouse sa Barangay Masalasa, Victoria, Tarlac na may kapasidad na humigit-kumulang 100,000 sako ng palay.
Ayon kay Agriculture Secretary at NFA Council Chair Francisco Tiu Laurel Jr., mahalaga ang dagdag na storage para mas marami pang palay ang mabili ng gobyerno sa makatwirang presyo.
Target naman ng NFA na makabili ng hanggang 500,000 metric tons ng palay dahil sa dagdag na storage capacity.
Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson na makatutulong din ito sa Benteng Bigas, Meron Na! program sa pamamagitan ng dagdag na locally sourced rice.
Tinatayang 874 magsasaka sa Victoria at mga kalapit na bayan ang makikinabang sa dagdag na kapasidad ng NFA.