Mas pinalalakas pa ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang kanilang mga hakbang upang mas mapataas pa ang antas ng seguridad sa mga paaralan.
Isa nga sa mga pinagtuunan ng pansin ng Parañaque Local Government Unit ay ang paglalagay ng full-body walkthrough metal detectors sa iba’t-ibang paaralan sa kanilang lungsod.
Ayon kay Parañaque City Administrator Ding Soriano, naniniwala umano si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ang pinakamahusay na pamamaraan sa pagpapalakas ng seguridad ay multi-faceted approach kaya namang ibinubuhos din ng lokal na pamahalaan ang kanilang resources upang mas maitaas ang antas ng seguridad sa mga paaralan.
Sa 47 pampublikong paaralan sa Parañaque, 16 na ang may full-body walkthrough metal detectors.
Kinumpirma rin ng Parañaque LGU na madadagdagan pa ang mga full-body walkthrough metal detectors sa mga pampublikong paaralan sa mga susunod na buwan.