Binati ng Department of Social Welfare and Development ang 152 dating 4Ps monitored children na pumasa sa 2026 Social Workers Licensure Examination.
11 sa kanila ang kabilang sa Top 10, pinangunahan ni Shane Sulapas ng Panabo, Davao del Norte, na nag-ranggo sa ikaanim.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, patunay ang kanilang tagumpay na mahalaga ang pamumuhunan sa edukasyon at human capital.
Samantala, umabot na sa mahigit 78,000 dating 4Ps monitored children ang nakapasa sa iba’t ibang licensure examinations.
Sa bilang na ito, 274 ang naging topnotchers, kabilang ang 42 sa Social Workers Licensure Examination.
Layunin ng 4Ps na makatulong sa pagputol sa cycle of poverty sa pamamagitan ng suporta sa kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga benepisyaryo.